BUNDLES

MGA ALITUNTUNIN at MGA PATAKARAN

View previous topic View next topic Go down

MGA ALITUNTUNIN at MGA PATAKARAN

Post  Admin on Sun Aug 23, 2009 10:08 am

PAARALANG ELEMENTARYRA NG TUGBUNGAN
DISTRITO NG TETUAN
ZAMBOANGA PENINSULA

ALITUNTUNIN AT PATAKARAN
WIKA AT PANITIKAN
FILIPINO QUIZ BEE
August 25, 2009
Ni
Bb. Belle P. Fernandez
(Quiz Master)



1. Lahat ng kalahok ay sasagot sa mga hanay na katanungan na mahuhugot mula sa kahon. Bago basahin ang katanungan, ang mga kalahok ay kailangan itaas ang kani-kanilang gamit pansulat.
2. Ang mga katanungan ay babasahin ng mangalawang beses
3. Hintayin ang senyal o bigkas na “GO” saka pa lamang kayo pinahihintulutang isulat ang inyong sagot. Walang maglalapat ng sagot sa sagutang papel habang ang katanungan ay binabasa pa lamang.
4. Sampung (10) segundong takda ang inilaan para sa inyong pagsagot sa katanungan.
5. Matapos ang takdang oras o pagtunog ng buzzer, ang mga kalahok ay dapat nang tumigil sa pagsulat at mangyari lamang na itaas ang kanilang answer board o sagutang papel. Sa kasong pagpapalit ng sagot, siguraduhing binura nang ayos at malinaw ang pagkakasulat ng ipinalit na sagot sa loob ng nakalaang takda lamang.
6. May apat (4) na rounds sa bawat kumpetisyon o kategorya:
Ang Madali, Katamtaman, Mahirap, at Clincher.

Ang Clincher ay matutungo lamang kapag may kalahok na nagkapareho ng puntos sa kabuuang tatlong kategorya (Madali-Mahirap) Ito ay isinasagawa upang mamili ng magwawagi sa patimpalak.

7. Sa Bawat Round ay may 5 katanungan at ang bawat round ay may katumbas na puntos: Madali (1), Katamtaman (2) at Mahirap (3)

Sa bawat round, ang mga puntos ay ipagsasama (tabulate), at saka tutungo sa susunod na round at ganun din sa susunod na mga kategorya/round.

Sa Clincher , ang mga puntos ng kalahok na maglalaban ay magsisimula muli sa zero points . Limang (5) katanungan ang itatanong at ang sinumang makakukuha ng mataas na puntos ang siyang magwawagi

8. Sa mga tagapagsanay (coaches)/guro/chaperons, ay hinihiling na manood at
makinig na lamang sa kanilang kinaroroonan. Higit na ipinagbabawal ang
anumang senyas, pagbubulong at pag-aakmang pagbibigay ng clue.
Sa mga kalahok, iwasan ang tumingin sa mga tagapagsanay para sa mga
maaaring sagot. Iwasang ang “pagsaklolo”.

9. Ang tagapagsanay ay siya lamang awtorisadong mananggalang o magsagawa ng
Pagtutol. Ang pagtutol ay dapat isangguni sa Lupon ng mga hukom agad bago basahin ang susunod na katanungan.

10. Ang Lupon ng mga Hukom ay may kumpletong kontrol sa patimpalak. Ang
kanilang desisyon ay di mababago, at mapapalitan at ang lahat ng desisyon ay
opisyal at pinal.

11. Anumang paglabag sa alituntunin at patakaran ng Quiz Bee ay magreresulta sa pag-aalis o pagtatanggal ng pagkakataon na makapagpatuloy sa paglahok ng patimpalak.


Naway malinaw ang lahat.
©bundles.darkbb.com/bellepf2009

Admin
Admin

Posts : 16
Join date : 2009-08-04

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum