BUNDLES

Paunang Salita: Buwan ng Wikang Pambansa 2009

View previous topic View next topic Go down

Paunang Salita: Buwan ng Wikang Pambansa 2009

Post  Admin on Sun Aug 23, 2009 6:03 pm

Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay taunang ipinagdiriwang at ito ay itinatakda tuwing buwan ng Agosto mula isa (1) hanggang ikatatlumpu’t isa (31) alinsunod sa Proklamasyon Blg.1041 serye 1997 Ang tema ng taong ito ay Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas bilang pagtanaw sa ikaapat na raang (400) taon ng pagdiriwang ng taon ng Baler.

May mga layuning nais nating mabigyang katuparan, isa na rito ay ang mapahalagahan natin ang wikang Filipino bilang pambansang wika at ang pagtatampok ng kahalagahan ng wikang pambansang Filipino para sa pambansang identidad ng wika at kultura.

At sa pagtitipong ito , maibabahagi natin ang ating pagmamalasakit, pagmamahal at pakikiisa na matutop ang layunin ng pagdiriwang ng wikang pambansa sa pamamagitan ng mga pinaghirapang anyo ng pagpapakitang gilas at talino sa sarisaring patimpalak na matutunghayan ninyo mangailang minuto buhat ngayon.

Tagapamanihala ng mga Paaralan, ____________________
Mga Tagapamahala ng mga Paaralan ng Distrito II,
Mga Punong-guro
Mga Nagsisigalingang Hurado
Mga Guro, Mga Magulang, Mga Panauhin,
At Higit lalo sa ating mga Kalahok….

Magandang Umaga sa inyong lahat. Malugod po naming kayong binabati at tinatanggap sa inyong pagdalo. Naway ang pagdiriwang na ito ay maging isang memorablng okasyon para sa ating lahat.
[b]

Admin
Admin

Posts: 16
Join date: 2009-08-05
Age: 45
Location: Philippines

View user profile http://bundles.darkbb.com

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum