BUNDLES

Buwan ng Wika 2009

View previous topic View next topic Go down

Buwan ng Wika 2009

Post  Admin on Wed Aug 05, 2009 8:37 am



Batay sa Memorandum Pangkagawaran Bilang 295 serye 2009 at alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041,s. 1997, ang Buwang ng Wikang Pambansa ay taunan nating ipinagdiriwang mula Agosto 1 hanggang Agosto 31, na pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).Bilang pakikiisa sa pagdiriwang na ito, ang Paaralang Elementarya ng Tugbungan ay nagsimulang inilunsad ang kahalagahan ng pagdiriwang na ito noong Lunes ng Agosto 03, 2009 matapos ganapin ang Pagpupugay sa Watawat bandang 7:20 ng umaga. Ibinahagi rito ang tema ng taon ng pagdiriwang :"Wikang Filipino: Mula Baler, Hanggang Buong Pilipinas.". Layunin ng pagdiriwang ang mapahalagahan ang wikang Filipino bilang pambansang wika; maitampok ang kahalagahan wikang Filipino para sa pambansang identidad ng wika at kultura;maitaguyod ang wikang Filipino bilang midyum ng komunikasyon; magamit ang Filipino bilang wikang panturo sa wika at panitikan;magamit ang wikang Filipino sa talakayang kultural; at mapahalagahan ang wikang Filipino bilang epektibong wika para sa katatagang pangkabuhayan


Last edited by Admin on Wed Aug 05, 2009 8:53 am; edited 2 times in total

Admin
Admin

Posts: 16
Join date: 2009-08-05
Age: 45
Location: Philippines

View user profile http://bundles.darkbb.com

Back to top Go down

Re: Buwan ng Wika 2009

Post  Admin on Wed Aug 05, 2009 8:50 am

ng sambayanang Pilipino.
Ang Paaralang Elementarya ng Tugbungan ay may mga inihandang palatuntunan na gaganapin sa loob din ng paaralan na sasalihan ng mga kalahok mula sa ibang paaralan ng Distrito ng Tetuan, Lungsod ng Zamboanga. Kabilang na dito ang Tagisan ng Talino, Talumpati, Pagbabalita at ilan pang nakakawiling pagpapamalas ng kagalingang Filipino.Tunghayan dito ang ilan pang magaganap sa katapusang ng buwan bilang kulminasyon ng Buwan ng Wika 2009. Kaya't halina na kayo at makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Hindi lamang po ngayon, naway sa tuwinay mahalin natin ang sariling atin, ngayon at magpakailanman!
May maibabahagi ka ba sa ikauunlad pa ng wika natin? Paano mo magagawang maisulong sa murang isip ang kahalagahan ng wika sa kultura at identidad ng bansa at pagkatao ng Pilipino? Saan nga dapat magmula?

Admin
Admin

Posts: 16
Join date: 2009-08-05
Age: 45
Location: Philippines

View user profile http://bundles.darkbb.com

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum