BUNDLES

Nakikiisa ang BUNDLES sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

View previous topic View next topic Go down

Nakikiisa ang BUNDLES sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

Post  Admin on Sat Aug 11, 2012 11:50 pm

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2012

Paksang Diwa: “Tatag ng Wikang Filipino,

Lakas ng Pagka-Pilipino







Ang pagka-Pilipino ay likas na malakas at matatag.Ito ay dahil na rin sa tatag at lakas ng loob, determinasyon at mga kapuri-puring pag-uugali na maipagmamalaki nating mga Pilipino kaya't tayo ay kakaiba at bihasa sa lahat ng larangan. Hindi tayo padadaig sa kaninumang lahi, kaya nating makipagsabayan at angatan ang iba, sapagkat nasa ating mga Pilipino ang matatag na lipunang Pilipino. Susi sa lahat ng ito ay WIKA! Wikang maituturing nating atin! Sarili! Ito ay ang Wikang Filipino! Susi natin sa pakikipag-usap, pag-unawa, pagbatid, kaisahan, pag-unlad at ang makilala sa lahat ng larangan!



Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay taunan nating ipinagdiriwang sa Pilipinas alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, serye ng taong 1997. Pinangungunahan ito ng Komisyon sa Wikang Filipino na may paksang-diwang : “ Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino.”



Mula taong 1937 hanggang ngayong taong 2012, pitumpu't limang (75) taon na nang maganap ang pagkakaproklama sa Tagalog bilang wika ng wikang pambansa. Ito ay nakaakda sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, serye ng taong 1937 na nagbibigay-halaga sa katatagan ng wikang pambansa mula sa Wikang Tagalog hanggang Pilipino at lumaon ay Filipino. Ito ay pagpapatunay na ang Wika nating mga Pilipino ay hindi nayayanig, bagkus ito ay yumayabong at nagiging mabisang pamaraan sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan at magkaisa. Ito ay sagisag ng ating pagkakakilanlan.



Tulad ng nabigkas ko na sa una, mainam nating tangkilikin ang ating wika at lalo pa itong payabungin nang tayo ay higit pang makilala sa ating mga kasanayan at kakayahan. Marapat nating gamitin at kilalanin ito hindi lamang sa buwan ng Agosto kundi sa simula na tayo ay isilang hanggang sa tayo ay magkaisip. Ika nga ni Gat Jose Rizal, Ang taong hindi magmahal sa sariling wika, ay maihahalintulad sa hayop at amoy ng isang malansang isda. Kaya simulan nating gisingin ang kawilihan ng ibang nakalimot na, na muling ibalik, pagmamahal sa ating wika at kultura. Payabungin natin ito sapagkat ito ang susi nating lahat sa pakikipagtalastasan sa ating kapwa, dito o saan man panig ng mundo, tayong mga Pilipino ay magkakaunawaan!



Kung paano natin tinanggap ang dayuhang wika na nakatulong sa ating kultura at linguistica, ay mas inam din nating tanggapin nang buo sa puso at isipan mga pagbabago at pagtanggap nito para sa ating ikauunlad! Bigyan natin ng pagkakapuri ang ginawang pagsasakripisyo ng ating mga ninuno at bayani upang tayo'y maging malaya sa pakikipagkomunikasyon. Si Pangulong Manuel L. Quezon na itinuring na Ama ng Wikang Pambansa, Si Gat Jose Rizal, Si Balagtas Francisco Baltazar, Julian Felipe ay iilan lamang sa napakarami nating Pilipino na nagpakita ng tatag at lakas, kaya't ako, bilang isang Pilipino, gumigising ng inyong puso at isipan na buong lakas nating tangkilikin, gamitin, pagyamanin at mahalin sariling wikang Filipino na siya rin lakas natin sa ating pag-unlad! Sabi nga ni Gat Rizal , nasa mga kabataan ang ikauunlad ng bayan, at galing naman sa akin at tugon ko na rin sa mga bayaning nakipaglaban para sa wika ng bansa natin, “Tayo ang bagong lahi ng henerasyon ngayon, ang siyang butil na uusbong sa mga henerasyon pang darating, na bubuo at magpapatibay ng pundasyon ng wikang Filipino para sa Lakas ng Lahing Pilipino. “ Para sa karunungan, katalinuhan, kakayahan, kasanayan , kaalaman at kakilanlan, halinang makiisa sa pagsasaliksik, pagpapayabong, pag-aaral at paggamit ng wikang atin.



Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Lahing- Pilipino!

Admin
Admin

Posts : 16
Join date : 2009-08-04

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum